Pagsisiyam sa Mahal na Birhen ng Penafrancia
MGA DAPAT MALAMAN BAGO DASALIN ANG NOBENARYO
(Mula sa aklat na El Santuario de Pena de Francia ni Obispo Francisco Gainza OP, salin sa Filipino ng nagsaayos)
Nagsibangon ang mga anak nitong magiting na babae upang ipahayag na pinakamapalad ang kanilang Ina (Kawikaan 31:28): ang siyang wika ni Solomon sa kanyang hula patungkol sa pinakadakilang Ina at Reyna ng tanang mga Cristianos. Sa mga tala ng kasaysayan, parating pinupuri ng mga pantas, mga mangangaral at mga banal na ama ang Dakilang Birhen sa kanilang mga gawi, wika at mga sulatin, na kung saan sila'y mga mapapalad na tunay na mapanood sa mga pintuan ng kanyang tahanan o magtanod sa mga bantayan nito na nagnanais na makasumpong ng buhay na walang hanggan na nagsisipuri sa lubhang marangal na binibini.
Bagama't sa munting paraan, ninais natin na maging kabahagi sa pagbibigay ng ating mga pagpupuri sa Harabining dakila, na tinatanggap at tinatawag ang kanyang mga anak na sanggol at hindi naniniphayo sa mga bagong nagsisimula, at hindi man natin kayang higitan ang 60 mga magigiting na nagbabantay sa kama ng Haring Solomon na armado ng kanilang mga espada at bihasa sa mga labanan, at ang maraming mga pantas at paham na pinagyaman ang Santa Iglesia ng kanilang mga akdang likha ukol sa kapurihan nitong Mahal na Birhen, ninais natin, na kahit tulad sa mga mandirigmang pigmeo na nagsisilbing tagabantay sa mga kuta nitong lungsod ng Tiro (Ezekiel 27:11)
Ang mga Pagsisiyam na alay sa Mahal na Birhen ay siyang nagsisilbing mapanghalina sa mga kaluluwang namimintuho at banal na kaaliwan ng buong pusong pamimintuho sa kataas-taasang Reina. At kung inyong mamasdan na napakarami ang mga Pagsisiyam ukol sa mga hiwaga at iba't ibang mga pamagat ng ating Mahal na Birhen, ang sa Katamis-tamisang Ngalan ni Maria, na siyang ating pinamimintuhuan. Iniakda ito hindi lang para sa pagdarangal sa Princesang makalangit at sa ikauunlad sa mga pagsamba at pagdarangal, lalo na sa mga Kristyanong gagamit at babasa nito.
Karaniwan sa mga Pagsisiyam ay madali itong isagawa, na kung saan inilalakip ito ng mga gawang pagpapakasakit (penitensya), pagbibigay ng limos (pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan), pananalangin atbp. at sa kahit anong araw ipinasya ay isasagawa ng sinumang mamimintuho bilang alay sa Mahal na Birhen. Ngunit mas higit na napapanahon na dasalin ang Pagsisiyam para sa Kapistahan ng kanyang Katamis-tamisang Ngalan sa Linggo matapos ang Oktaba ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, o di kaya, ayon sa iyong makakaya, maari mo itong simulan sa Unang Sabado ng bawat buwan at magtatapos sa Ikalawang Linggo o ayon sa nais ng isang mamimintuho.
Ang nasabing Pagsisiyam ay naglalaman ng dalawang mga panalangin, ang una ay ang panalangin sa araw-araw at ang limang Aba Ginoong Maria bilang alaala't galang sa limang titik na ikinabubuo ng kanyang Katamis-tamisang ngalan, matapos nito ay tatahimik sumandali para sa natatanging kahilingan na nais makamtan sa Pagsisiyam na ito at isusunod ang Panalangin sa araw na ito. Nakapaloob sa 9 na mga panalangin ang mga pagpapakahulugang ibinibigay sa Pangalan ni Maria ayon sa salaysay ng mga Banal na Ama ng Simbahan, at nasasaad rin sa mga sulatin ni Silveyra (1) sa kanyang mga Komentaryo patungkol sa unang kabanata ng Ebanghelyo ni San Lucas, lalo na ang sa pangungusap na: "Et nomen Virginis Maria"...ang isang dalaga na ang pangala'y Maria (Lucas 1:27 sa Vulgata Clementina)

PAMBUNGAD NA AWIT
Araw-araw kay Maria
Kami ay nagdarasal
Si Mariang Ina namin
Ibig naming marangal
Kanyang tulong lagi-lagi
Kami ay humihiling
Siya’y aming pupurihin
Tuwing araw at gabi
Kung kami’y nasa panganib
Kay Maria tatakbo
Siya’y aming tatawagin
Kung lalapit ang tukso
O, Maria tutulungan
Kaming nangabubuhay
Kami ay ipanalangin
Kung kami’y mamamatay
Araw-araw kay Maria
Kami ay nagdarasal
Si Mariang Ina namin
Ibig naming marangal
Kanyang tulong lagi-lagi
Kami ay humihiling
Siya’y aming pupurihin
Tuwing araw at gabi
Kung kami’y nasa panganib
Kay Maria tatakbo
Siya’y aming tatawagin
Kung lalapit ang tukso
O, Maria tutulungan
Kaming nangabubuhay
Kami ay ipanalangin
Kung kami’y mamamatay
(Lumuhod sa harap ng mapaghimalang larawan ng Mahal na Birhen at isagawa ang mga sumusunod)
(+) Ang tanda ng Santa Cruz (+) ipag-adya mo kami sa lahat ng panganib (+) O Panginoon naming Diyos
+Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen
Ave Maria Purisima, sin pecado concebida

PAGSISISI
Panginoon kong Jesucristo, Dios na totoo at tao namang totoo, na aking sinasampalatayanan, pinananaligan nang higit sa lahat ng tao't bagay, ikinahahapis ko nang buong puso ang madlang pagkakasala ko sa iyo, sapagkat ikaw ang kabutihang walang hanggan. Nagtitika akong hindi na muling magkakasala sa tulong ng iyong mahal na grasya, at sa makapangyarihang pamamagitan ng iyong Inang makalangit na si Maria Santisima, na siyang nais kong ipagdangal sa buong buhay ko, lalong lalo na sa loob ng pagsisiyam na ito, inihahandog ko ito sa kapurihan ng kanyang kabanal-banalang ngalan. Amen
Mahal na Birhen ng Penafrancia, ipanalangin mo kami.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Karapat-dapat ka nga naming pagkaibigin, O Reyna at Birhen naming Maria, na ang iyong katamis-tamisang ngalan ay nakaliligaya sa Langit, nakaaaliw sa Lupa, at nakatatakot sa Impyerno, dahil ang ngalang iyan ay bigay sa iyo ng Diyos. Yayamang ikaw ay napupuno ng mga Biyaya at Kagalingang buhat pa nung ikaw ay ipinaglihi hanggang sa lumaki at tanghaling Santa. Isinasamo naming bahaginan mo ang lahat ng iyong mga tinatamasang biyaya.
Ang mga maysakit ay iyong pagalingin, ang mga nalulumbay ay iyong aliwin at ang mga makasalanan ay iyong patawarin. Ikaw na Anghel na magbibigay ng kaligayahan, at kaluwalhatian sa Santisima Trinidad, na kinalalagdaan ng Limang titik ng iyong pangalan. Kawangis ng ngalan mo ay ang katamis-tamisang ngalan ni Jesus.
Ang katapat mo'y ang kanyang Limang sugat na tumubos sa amin at Limang wikang ikinayayari ng kahanga-hangang Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Anupa't sa iyong maluwalhati at makapangyarihang ngalan, ako ay humihingi ng awa sa pamamagitan ng pagsisiyam na ito. Ang ipagkakaloob mong habag ay tulad ng isang mabisang gamot na makakapagpapagaling sa akin. Tulad sa kaligayahang makapapawi sa aking mga kapighatian at tulad ng isang makapangyarihang tulong na magliligtas sa aking mga kasalanan at mag-aabot sa akin ng kapatawaran.
Alalaong-baga ang iyong habag ay kawangis ng pinagtipun-tipong mga gamot na aking magagamit sa aking mga pangangailangan. Kung uusalin ko at isasapusong lagi, uulitin ko sa tuwina itong matamis at mahalagang wika...
Mahal na Birhen ng Penafrancia, ipanalangin mo kami*

Pahintulutan nawang makamit ko ang iyong habag at awa, at matamo ang matamis at mabisang tulong niyang mahal na ngalan upang sa gayon ay maging karapat-dapat akong mapabilang sa iyong mabubuti at mairuging mga anak. Sa pamamagitan ng iyong mapalad na pag-aampon ay makakamit ko ang iyong awa sa pamamagitan ng pagsisiyam na ito, na sang-ayon sa kalooban ng Diyos at sa Ikaluluwalhati ng aking kaluluwa. Siya nawa

MGA PAGHIBIK
(Ngayon ay magdasal ng Limang Aba Ginoong Maria atbp. patungkol sa limang titik na ikinabubuo ng Katamis-tamisang ngalan ni Maria)
M - asintahing Ina, ipinagmamakaamo ko na sa lahat ng sandali ng aking buhay ay alalahanin mo akong isang kahabag-habag na makasalanan.
Aba Ginoong Maria
A - lulod ng mga biyaya ng Diyos, pagkalooban mo ako ng masaganang luha upang mapagsisisihan ko at maikumpisal ang lahat ng pagkakasalang aking nagawa.
Aba Ginoong Maria
R - osa Mistica na nakabukadkad at may bangong nakakaaliw sa lahat at Reyna ng Langit at Lupa, ikaw nawa ang tumulong sa akin at maging tanggulan ko laban sa pagsalakay ng aking mga kaaway.
Aba Ginoong Maria
I - law na lubhang maliwanag at masintahing anak nina San Joaquin at Santa Ana, ipanalangin mo ako sa iyong giliw na anak na ako'y pagkalooban ng mga biyayang kinakailangan ko sa aking kaligtasan
Aba Ginoong Maria
A - bogada at takbuhan ng mga makasalanan, ikaw nawa'y mamagitan sa aming mga makasalanan, at sa oras ng aking pagpanaw sa mundong ito, alagaan po ninyo ako at agapayan, at buksan mo sa akin ang pintuan ng Langit
Aba Ginoong Maria
(Hingin ng taimtim sa loob ang biyayang ninanais na makamtan sa pagsisiyam na ito at isusunod na dasalin ang panalangin sa araw na ito)

MGA PANALANGIN SA BAWAT ARAW
PANALANGIN SA UNANG ARAW
O Kataas-taasang Reyna at Birheng Ina naming Maria, na may katamis-tamisang ngalan na ang kahuluga'y nanggaling pa sa Bundok sa Kaitaasan ng Diyos at nagmula rin sa bibig ng Kataas-taasang Diyos. Tulad mo'y panganay na babaing nauna sa babaeng lahat na nilalang ng Diyos ay hinirang ka na maging Ina ng Diyos Anak na tumubos para sa amin, sa pamamagitan ng kanyang kamahal-mahalan dugo. Ang tulad mo'y isang Bago at Magarang Lungsod ng Jerusalem na bumaba mula sa Langit, nakakawangis mo'y isang asawa na sa kabutihan ay pinakamarilag.
Lubos akong naninikluhod sa Kamahal-mahalan mong Trono ng may buong kababaang loob na sa pamamagitan ng iyong Mahal mong Ngalan, nawa ako'y mabigyan mo ng ilaw na maliwanag upang maging gabay ng aking kaluluwa sa ipagkakamit ng Kagalingan ng Diyos at ng Maluwalhating Banal na Santatlo at nang sa gayon ay aking matatamasa ang Kaligayahang walang hanggan. Tulungan mo ako, o Reyna at aking Ina, nang ako'y huwag mawalay sa Malinis at Katamis-tamisan mong pangangalaga at kalinga at ilayo mo sa lahat ng masama ang aking kaluluwa na kawangis din ng Diyos, at nang sa gayon ay lumakad ako sa mga gawang kabanalan sa pakikipagkasundo ng kaluwalhatiang kinaroroonan ng may lalang sa akin at Panginoon ko. Amen
Mahal na Birhen ng Penafrancia, ipanalangin mo kami*
Purihin nawang palagi ang Kamahal-mahalang Santísimo Sacramento sa Altar, at ang Kalinis-linisang Paglilihi kay Ginoong Santa Maria Santisima Ina namin, na hindi narungisan ng kasalanang orihinal. Siya nawa
(Bendito y alabado sea el Santísimo Sacramento del Altar, y la Inmaculada Concepción de María Santísima, Madre de Dios y Señora nuestra, concebida sin pecado original en el primer instante de su ser. Amén.)

PANALANGIN SA IKALAWANG ARAW
Maalam na Reyna at Ina naming Maria, na ang iyong katamis-tamisang ngalan ay nagsasaysay na napupuno ng karunungan na nagmula sa langit at sa Diyos Ama na may mataas na pagkakakilala sa iyo. Nang dahil dito ay ipinagkaloob niya ang hindi matingkalang kayamanan at biyaya sa iyo. Kami ay dumudulog sa iyo at isinasamong ipamalas sa amin ang iyong pagkamababang loob. Isinasamo namin sa iyo, na kami ay kahabagan sa kahinaan ng aming kaluluwa na minana sa aming unang kasalanan at siyang nagiging hadlang sa aming magagandang hangarin. Ito rin ang dahilan kung kaya't kami ay tuwinang pinagdirimlan ng isip at nalalayo sa daan na katuwiran.
Tulad sa sikat ng buwan na lumiliwanag kung gabi, tanglawan mo ang aming hiram na buhay at patnubayan mo kami sa pagpili ng aming mga gawain at tungkuling gagampanan. Tanging ikaw lamang ang makakatulong sa akin upang tahakin ang landas ng kabutihan at ikaw rin ang magiging sandigan ko sa oras ng kagipitan. Ako ay dumadakila at pumupuri sa iyong katamis-tamisang pangalan, sapagkat tanging ang ngalan mo ang aakay sa akin tungo sa kaluwalhatian at ikapagtatamo ng walang hanggang biyaya. Amen
Mahal na Birhen ng Penafrancia, ipanalangin mo kami*
Purihin nawang palagi ang Kamahal-mahalang Santísimo Sacramento sa Altar, at ang Kalinis-linisang Paglilihi kay Ginoong Santa Mariang Ina namin, na hindi narungisan ng kasalanang orihinal. Siya nawa

PANALANGIN SA IKATLONG ARAW
Mapalad na Birhen at lubos na maluwalhating hinirang ng Diyos na maging Ina namin, na ang iyong katamis-tamisang ngalan ay nagpahiwatig ng iyong malinis at maluwalhating pagkatao. Ibinigay sa iyo ang mataas na katungkulan, bunga ng walang hanggang kadakilaan ng Diyos. Bukod tangi kang pinili na maging Ina ng kanyang bugtong na anak. Ito ay isang masuring pagpili at lubos na pagkilala ng Diyos na siyang lumikha ng lahat sa iyong mabuting kapurihan. Ikaw ang kanyang tinawag na magdala ng kanyang anak na nagkatawang tao sa iyong kalinis-linisan sinapupunan.
Anupa't sa pagkakatawang tao ng ikalawang persona ng Banal na Santatlo, kaming lahat na papanaw ay naging magkakapatid at ikaw ay dapat maging Ina namin. O Ikaw nga ang magandang tala ng sangkatauhan. Ikaw na hinirang ng Diyos upang tumupad ng katangi-tanging tungkulin. Tulungan mo akong makaganti ng utang na loob sa Diyos na lumalang nitong daigdig na ang hiwaga'y di sukat na marilip. Amen
Mahal na Birhen ng Penafrancia, ipanalangin mo kami*
Purihin nawang palagi ang Kamahal-mahalang Santísimo Sacramento sa Altar, at ang Kalinis-linisang Paglilihi kay Ginoong Santa Maria Santisima Ina namin, na hindi narungisan ng kasalanang orihinal. Siya nawa
(Bendito y alabado sea el Santísimo Sacramento del Altar, y la Inmaculada Concepción de María Santísima, Madre de Dios y Señora nuestra, concebida sin pecado original en el primer instante de su ser. Amén.)
Mapalad na Birhen at lubos na maluwalhating hinirang ng Diyos na maging Ina namin, na ang iyong katamis-tamisang ngalan ay nagpahiwatig ng iyong malinis at maluwalhating pagkatao. Ibinigay sa iyo ang mataas na katungkulan, bunga ng walang hanggang kadakilaan ng Diyos. Bukod tangi kang pinili na maging Ina ng kanyang bugtong na anak. Ito ay isang masuring pagpili at lubos na pagkilala ng Diyos na siyang lumikha ng lahat sa iyong mabuting kapurihan. Ikaw ang kanyang tinawag na magdala ng kanyang anak na nagkatawang tao sa iyong kalinis-linisan sinapupunan.
Anupa't sa pagkakatawang tao ng ikalawang persona ng Banal na Santatlo, kaming lahat na papanaw ay naging magkakapatid at ikaw ay dapat maging Ina namin. O Ikaw nga ang magandang tala ng sangkatauhan. Ikaw na hinirang ng Diyos upang tumupad ng katangi-tanging tungkulin. Tulungan mo akong makaganti ng utang na loob sa Diyos na lumalang nitong daigdig na ang hiwaga'y di sukat na marilip. Amen
Mahal na Birhen ng Penafrancia, ipanalangin mo kami*
Purihin nawang palagi ang Kamahal-mahalang Santísimo Sacramento sa Altar, at ang Kalinis-linisang Paglilihi kay Ginoong Santa Maria Santisima Ina namin, na hindi narungisan ng kasalanang orihinal. Siya nawa
(Bendito y alabado sea el Santísimo Sacramento del Altar, y la Inmaculada Concepción de María Santísima, Madre de Dios y Señora nuestra, concebida sin pecado original en el primer instante de su ser. Amén.)
PANALANGIN SA IKALIMANG ARAW
Maawaing Ina naming Maria, na nagtataglay ng matamis na ngalan na nagsasaad na ikaw ay bituin sa karagatan. Ikaw ang patnugot ng aking kaluluwa sa pagtunton at paglalayag sa maunos na dagat dito sa mundong ito hanggang sa sumapit sa daigdig na walang hanggan na kung saan naghahari ang kapayapaan.
Ako ay iyong kupkupin upang sa gayon ay matatag kong tawirin ang mga malalaking panganib sa karagatan ng buhay, tulad ng mga batong sumasalpok at bumabalakid sa payapang paglayag ng sasakyan at ang nagbabantang unos at malalaking hampas ng alon na maaring ikalunod ng aking kaluluwa at ikalalayo sa daang aking kinakailangang tahakin tungo sa kalangitan. Pakundangan sa iyong katamis-tamisan ngalan, O Reyna at aking Ina, iligtas mo ako sa hampas ng alon at panganib ng bangin na hindi nakikita ng bulag kong isip. Tunay ngang kawangis mo'y nagniningning tulad ng mga bituin sa kalangitan na tumatanglaw sa mga kaluluwang naliligaw ng landas at nagpapaligaw sa kadiliman. Nawa'y patnubayan ako lagi ng iyong maningning na liwanag hanggang sa pagtahak ko sa kaluwalhatiang walang hanggan. Amen

O Matiisin at lubhang kahapis-hapisang Ina naming Maria, na may kalinis-linisang ngalan na nagdudulot ng walang hanggang tuwa at kaligayahan sa dagat ng kapaitan. Ito ay aming pinatotohanan nang ikaw ay tumindig sa paanan ng krus at sa iyong puso ay bumalong ang alon ng kahapisan at unos ng kapaitan nang dahil sa natambad sa iyong mga mata ang walang awang pagdusta, panlalait at pagpaparusa sa anak mong sinisinta na si Jesus na walang bahid ng kasalanan.
Buong pagpapakumbaba ako'y lumuluhod sa iyo. Yayamang sa iyong pagiging Ina ni Jesus, kami ay naging anak mo rin, kahabagan mo kaming mga makasalanan, kami ay inihabilin sa iyo ng aming manunubos at anak mong minamahal, sa pinakamamahal niyang alagad na si San Juan. Maiukit nawa sa aming mga puso ang iyong katamis-tamisang ngalan, upang sa gayon ay lagi naming maalala ang mga kapaitang dinanas mo doon sa kalbaryo at nang maging taimtim sa aming puso ang pagtitika sa aming mga pagkakasala na tinubos ni Jesus. Sa pamamagitan ng mga gawang kabutihan at pag-ibig sa lahat ay mapahahalagahan ko, ang pagpapasakit at kamatayan ng iyong bugtong na anak na si Jesus. Tatalikuran ko ng ganap, ang masasamang pag-uugali. Alang-alang sa mga tiniis ni Jesus noong siya'y nagpakasakit, nawa'y magdulot ito sa akin ng lakas ng katawan at kalooban. At nang sa gayon ay matatamasa ko ang kagalingan at kaluwalhatian doon sa kabilang buhay.
Amen

PANALANGIN SA IKA-ANIM NA ARAW
O Lubhang banayad na Reyna at Ina naming Maria, na ang iyong katamis-tamisang ngalan ay naglalahad sa amin na ikaw ay huwaran naming lahat. Ang iyong pagsunod nang lubos at ang buong pagpapakumbaba sa pagtalima mo sa tungkuling maging Ina ng Manunubos na nagkatawang tao sa iyong kalinis-linisan sinapupunan. Siya ngayon ang tinutularan sapagkat kawangis niya'y salaming malinaw ng lahat ng kagalingan at kasaganahan. Ikaw, O Maria, na aming Ina, ang pinakapuno ng tanang biyaya at bukod tanging nilalang ng Diyos sa lahat, sa mga Serafines, mga Angheles at mga Banal na Kaluluwa.
Buong kapakumbabaan ako'y naninikluhod sa iyong Mahal na Trono, upang ako ay iyong palakasin at ng buong puso kong matularan ang lahat ng mga mabubuting halimbawang ipinakita ng ating Maawaing Diyos na nagpapatak ng ulan sa mga banal at mga makasalanan at namamahagi ng mga biyaya kahit sa mga dumuduhagi sa kaniya. At nang sa gayon ay hindi ko pagtutuunan ng pansin ang mga masasamang gawain na ginawa sa akin ng aking kapwa at sisikapin kong tiisin ang kanilang panlalait sa aking pagkatao at sa halip ay nasain ko ang para sa kanilang ikabubuti. Tanging sa paraang ito ang siyang mahahabag sa aking kaluluwa upang ihingi ng kapatawaran ang aking mga kasalanan at lumakad ako sa landas ng kaluwalhatian, magpasawalang hanggan. Amen

PANALANGIN SA IKAPITONG ARAW
Kawili-wiling Reyna at Ina naming Maria, na ang iyong katamis-tamisang ngalan ay nangangahulugang bukal ng biyaya, dahilan sa tubig ng biyaya at kasaganahan ay sa iyo dumadaloy. Ikaw ay isang kagalingang hindi marilip ng aming payak na isip at tanging Diyos lamang ang nakatatalos ng iyong kabanalan. Ikaw nga ang pinaglaanan ng mga banal na salita ni San Gabriel Arkanghel. "Napupuno ng mga biyaya at bukod tanging pinagpala sa mga Kristyano." Ang katulad mo'y munting ilog na anuran ng iyong kapunuan at katamis-tamisang ngalan. Ako ay naaaliw, O maringal na Reyna, sa iyong natatanging dilag. Inibig ng Diyos na kami ay dumaan sa iyong mga kamay.
Buong kapakumbabaan ako'y dumudulog sa mahal mong paanan na nawa ay ako'y kahabagan mo at pagkalooban ng mga biyayang kakailanganin ko upang aking gampanan ang aking mga tungkulin. Loobin mo rin ako na maging lingkod ng Panginoong Diyos. Isinasamo ko rin sa iyo, O Masintahing Ina namin, na gunitain kaming mga makasalanan at ipanalangin sa iyong masintahing anak, ang aming kapatawaran at nang sa gayon ay maging karapat-dapat kaming magkamit ng kaligayahan, doon sa kaluwalhatiang walang hanggan. Amen
Mahal na Birhen ng Penafrancia, ipanalangin mo kamI*

PANALANGIN SA IKAWALONG ARAW
Kataas-taasang Reyna at Ina naming Maria, na ang kahulugan ng iyong katamis-tamisang ngalan ay Panginoon na nagpapahayag ng kapangyarihan. Ikaw ang Ina naming mapag-ampon ng mga nilalang ng Diyos ng bukod tangi sa lahat. Buong kapakumbabaan ako'y dumudulog sa mahal mong paanan, alang-alang sa kapangyarihan ng iyong katamis-tamisang ngalan ay ipahintulot mo na gamitin ko ang mga yaman ng mundong ito sa ikatatahimik ng aking isip at kaluluwa.
Itulot mo rin na ito'y gagamitin ko sa kagalingan ng aking kapwa at bilang ganti sa mga kabutihang ipinagkaloob sa akin ng Panginoong Diyos. Itulot mo rin na ang mga ito'y huwag kong gagamitin sa mga masasamang hangarin na ukol sa kalupaan. Maging patnubay ka laban sa mga tukso at kahinaan upang sa gayon ay iwaksi ko ang kapalaluan at kasamaan. Lumagi ka nawa sa aking isipan sa araw-araw, at nang sa gayon ay manatili akong nabubuhay sa kapayapaan at sa mga gawa ng kabanalan, sa paggalang sa Diyos na nagtakda sa akin sa pagkakamit ng mga biyayang walang hanggan doon sa langit. Amen
Mahal na Birhen ng Peñafrancia, Ipanalangin mo kami*

PANALANGIN SA IKASIYAM NA ARAW
Lubhang masintahing Reyna at Ina naming Maria, na ang iyong katamis-tamisang ngalan ay nakapukaw sa aming mga puso, nakaaaliw sa aming kaluluwa sa panahon ng kapighatian. Buong kapakumbabaan kaming dumudulog sa iyong Mahal na Ngalan, na ang kahuluga'y Pag-asa, na isa sa mga kabanalang teolohikal, yayamang ipinagkakaloob sa iyo ang lahat ng kagalingan. Lubos ka naming pinanaligan. Bahaginan mo kami ng mga kabanalang asal na magpapalakas sa aming isip sa gitna ng mga sakuna dito sa mundong ito na aming pinananahanan.
Makayanan nawa namin ang lahat ng hirap at mapaglabanan ang lahat ng kahapisan ng aming katawan, at nang sa gayon ay lubos kaming maliligayahan sa pagtahak sa landas tungo sa kaluwalhatian sa pamamagitan ng paggawa ng mga kabanalan. Pagpalain mo kami, O Masintahing Ina, at ihingi ng kapatawaran ang aming mga kasalanan sa iyong mahabaging Anak, upang sa gayon ay maging karapat-dapat kaming maging tagapagmana ng Kaharian ng Diyos, matapos naming mapagtagumpayan ang aming mga kaaway, na amin ding matatamasa at mabubuhay nang tiwasay na puno ng walang hanggang pasasalamat sa iyong makapangyarihang pamamagitan.
Amen
Mahal na Birhen ng Peñafrancia, ipanalangin mo kami*

IBA PANG MGA PANALANGIN
PANALANGIN PARA SA PAGHINGI NG AWA
(Matapos dasalin ang Limang Aba Ginoong Maria at mga sumunod na Panalangin, dadasalin ang sumusunod na panalangin)
Kataas-taasang Reyna ng mga Angeles, Mariang kasantu-santusan, kaming mga makasalanan ay nagsusumamo sa iyo. Lumuluhod kami sa Mahal mong paanan at inihahandog namin sa iyo nang buong kapakumbabaan ang limang Aba Ginoong Maria na aking dinasal bilang tanda ng paggalang sa limang titik na ikinabubuo ng iyong katamis-tamisang ngalang "MARIA" na ipinangangako kong ikikintal sa aking puso at sasambitin ko sa tuwina nang lalo at lalong mataimtim na pagsinta at tuloy ihihingi ko ng kapatawaran ang mga pagpapabayang aking nagawa.
Ihingi mo ako ng kapatawaran sa iyong mahal na anak at bayaang sambitin ko sa lalong maalab na pagsinta, upang sa gayon ay makamtan ko ang Indulhensiyang ipinagkakaloob ng mga Santo Papa at ng mga Obispo at Arsobispo na nangangasiwa ng ganito at pagkalooban mo ang aking kaluluwa nitong mahalagang kayamanan, at nang sa gayon ay lagi kong alalahanin ang aking kamatayan at matamo ko ang walang hanggang kaluwalhatian sa langit. Amen

(isusunod ang Gozos)

DALIT SA MAHAL NA BIRHEN NG PENAFRANCIA
O Birhen Mariang mahal
De Peñafrancia ang ngalan
Patrona ng Kabikolan
Ika'y aming sinasaligan
1. Ikaw ang aming inaasahan
Lubos na pinananaligan
Sa Pagkaabot nang matiwasay
Ligaya ng Kalangitan
Huwag mo kaming pabayaan
Dito sa hamak na bayan
Kung hindi mo kami tutulungan
Walang mabuting kararatnan
O Birhen Mariang mahal atbp.
2. O Mariang masaklolo
at maawaing totoo
Wag mo kaming ipatalo
Sa mga tukso ng demonyo
Diyos sa Langit, gawin mo
Biyaya'y manaog sa amin dito
At dahilan sa bagsik mo
Pilit kaming mananalo
O Birhen Mariang mahal
De Peñafrancia ang ngalan
Patrona ng Kabikolan
Ika'y aming sinasaligan
1. Ikaw ang aming inaasahan
Lubos na pinananaligan
Sa Pagkaabot nang matiwasay
Ligaya ng Kalangitan
Huwag mo kaming pabayaan
Dito sa hamak na bayan
Kung hindi mo kami tutulungan
Walang mabuting kararatnan
O Birhen Mariang mahal atbp.
2. O Mariang masaklolo
at maawaing totoo
Wag mo kaming ipatalo
Sa mga tukso ng demonyo
Diyos sa Langit, gawin mo
Biyaya'y manaog sa amin dito
At dahilan sa bagsik mo
Pilit kaming mananalo
O Birhen Mariang mahal atbp.
3. Aba! Bituin sa karagatan Patnugot ng naglalayag Mga Cristiano'y iligtas Sa unos at bagyong marahas Sa Moros at mga manghaharang Sa dagat at sakatihan Ampunin at isanggalang Iligtas sa kapahamakan O Birhen Mariang mahal atbp. 4. Liwayway iyong binuksan Ang pintuan ng kalangitan Ang ligaya't kaaliwan Dalhin mo sa aming bayan Tanikala ng mga bihag Lagutin mo't isambulat Sa bilanggua'y makalabas At makaiwas sa hirap O Birhen Mariang mahal atbp. 5. Ikaw ang nagpapahupa Sa mga alon at baha Bagyo at mga sakuna Pahupain mo alipala At ang nangagdaraan Ng sari-saring kasamaan Sa aming ikabubuhay Sukatin mo't hadlangan O Birhen Mariang mahal atbp. 6. Lumuluhod kaming tanan Humahalik sa iyong bakas Ihingi mo sa Diyos ng tawad Sa mga nagawang linsad Sa iyo, O Inang Mahal Hinihingi namin naman Na aming mapagbayaran Mga nagawang kasalanan O Birhen Mariang mahal atbp. 7. Pakinggan, o Katuwaan Ng buong sangkakristyanuhan Mga panalangin at pagdiriwang Ng mga kampon mong tanan Masintahing Inang Birhen Dinggin mo't ulingin Pagtangis nami't pagdaing At sa langit iyong dalhin O Birhen Mariang mahal atbp. 8. Sa buong sangkalupaan Ikaw ay pinangalanan Maawain at Reyna naman Ang awit ng kalahatan Lahat ay nagbabansag Bahaghari kang marilag Na ang gutom at pesteng marahas Napapatahan mo't sukat |
O Birhen Mariang mahal atbp.
9. Ikaw nga yaong sisidlan Ng lahat ng kagalingan Lahat ay kinaawaan Ng mga hinging tulungan Hindi mo ngang hinihiling Na ang loob nila'y hapisin Bagkus pa ngang na taimtim Galang at sintang tining O Birhen Mariang Mahal atbp. 10. Na ang iyong paglaytay Nagpapasigla sa mga matatamlay Sa mga marurunong ay patnubay At pinagtatagumpayan Sa mga maliliit pang bata Saklolo mo nga'y halata Sa iyong kahinhinang gawa Tumutulad silang kusa O Birhen Mariang mahal atbp. 11. Makahulugan kang Rosa Maria ang gumiginhawa Sa mga Kristyanong nakukuha Sa ngalang Peña de Francia O Gaanong katuwaan O Gaanong katamisan Ang pinakikinabangan Sa hardin mong lubhang mahal O Birhen Mariang atbp. 12. Lunas ka sa aming damdamin At mabisang kagamutan Ang siway na kaisipan Tinutuwid mong liwanagan Kung wala ka, O Inang Mahal Dito sa mundong ibabaw Walang-wala ang kabutihan Kundi pawang kasalanan O Birhen Mariang Mahal atbp 13. O Maputing Azucena O Kalinis-linisang Maria Ikaw ang aming ligaya At timbulan naming sadya Sa iyo, O Reynang Mahal Pag-asa namin ay matibay Na sa amin ay makamtan Ang langit na kaluwalhatian O Birhen Mariang Mahal De Penafrancia ang ngalan Patrona ng Kabikolan Ika'y aming sinasaligan |
ANTIPONA
(Latin) Sancta María, sucurre misseris, juva pusillanimes, refove flébiles, ora pro populo, interveni pro clero, intercede pro devoto foemineo sexu: sentiant omnes tuum juvamen, quicumque celebrant tui sancti Nominis comemorationem. V. Dignare me laudare te, Virgo sacrata. R. Da mihi virtutem contra hostes tuos. OREMUS Concede, quaesumus, omnipotens Deus; ut fideles tui, qui sub sanctissimae Virginis Mariae Nomine, et protectione laetatur, ejus pia intercessione, a cunctis malis liberentur in terris, et ad gaudia aeterna pervenire mereantur in caelis. Per Christum Dominum nostrum. Amen |
ANTIPONA
(Tagalog) Santa Maria, ampunin mo't tulungan ang mga kahabag-habag, tulungan mo ang mga mahihinang puso, pasiglahin mo ang mga duwag na loob, ipanalangin mo po ang tanang kinapal, kalarahin mo ang mga kaparian, saklolohan mo ang mga babaing masintahin sa iyo. Maipadama mo nawa ang iyong pagtulong sa lahat ng nagpupuri sa iyo sa pag-alaala sa iyong kamahal-mahalang ngalan. V: Papagindapatin mo kami na magpuri sa iyo, O Maria R: Pagkalooban mo kami ng kabagsikang ikapapanalo namin sa iyong mga kaaway MANALANGIN TAYO O Diyos na Makapangyarihan, Hinihingi namin sa iyo na ipahintulot mo na kaming mga lingkod mo na nagsasaya't nagdiriwang dahil sa Ngalan at Pagkakandili ng ating Inang si Maria, dahilan sa kanyang pag-aampon, maligtas nawa kami sa lahat ng mga lilo't hunghang dito sa mundong ito, at kami ay maging karapat-dapat magtamo ng mga kagalingang walang hanggan doon sa langit, sa pamamagitan ni Kristong aming panginoon. Amen |
PANALANGIN SA BANAL NA MUKHA NI JESUS
(Ang Divino Rostro)
O Jesus, sa iyong kapait-paitang pagpapakasakit para sa amin, ay nakintal sa iyong mukha ang matinding kalungkutan na tanda ng Iyong walang hanggang pagmamalasakit sa sangkatauhan lalo na sa mga mahihirap at pinabayaan. Aming pinararangalan ang Iyong Banal na Mukha na siya ring nagpamalas ng kagandahan, pagmamahal at kaamuan ng Diyos Ama.
Sa kabila ng Iyong sirang kaanyuan, namamalas namin ang Iyong walang hanggang pag-ibig na siya namang nag-uudyok sa amin na Ika’y amin ring mahalin at himukin ang iba na Ikaw rin ay mahalin sa mga sirang kaanyuan ng aming kapwa na ipinagkakatiwala mo sa amin. Ang luha na masaganang bumukal sa Iyong mga mata at pisngi ay parang mga perlas na nais naming tipunin upang tubusin ang mga kaawa-awang kaluluwa ng mga makasalanan sa pamamagitan ng Iyong hindi matatawarang halaga.
O Jesus, ang Iyong kabanal-banalang mukha ay nagbibigay-galak sa aming kalooban, kahit hindi ko man masulyapan ang tamis ng iyong sulyap o maramdaman man ang Iyong di masaysay na lambing, hinihiling namin na manatili ang pagkakakintal ng Iyong Banal na Mukha sa aming puso. Pag-alabin mo kami ng Iyong pag-ibig upang sa pamamagitan nito, kami nawa’y maging karapat-dapat na makibahagi sa pagsamba at pagdakila ng iyong maluwalhating Mukha sa kalangitan. Amen.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG PENAFRANCIA
Ilingon mo sa amin ang iyong mga mata, O Iniibig kong Birhen ng Peñafrancia, at mahabag ka sa aking kaluluwa na naparirito sa harapan mo, puno ng pighati't pagsisisi.
Ipagsanggalang mo ang aking pamilya, ang aking mga kamag-anak, ang aking mga kaibigan at mga tagapagpala. Mamagitan ka sa iyong mga deboto, lalo na ang mga nabubuhay at mga pumanaw, lalo na sa mga nangangailangan ng aking tulong.
Ipanalangin mo ako, damayan mo ako at iligtas, sa mga sandali ng pangamba, kabiguan, sakuna at kapighatian, lalo na sa oras ng aking kamatayan, hilingin mo nawa sa iyong anak na si Jesus na ako’y tulungan at pangalagaan, ipabatid mo po sa kanya na ako'y iyong deboto, na dahil sa ganap na pagtitiwala sa iyong pangangalaga ay lumuluhod sa paanan ng iyong mapaghimalang larawan at humihiling sa iyong makapangyarihang pamamagitan.
O Birhen ng Peñafrancia, ipanalangin mo ako, tulungan mo ako at damayan, at iadya mo ako sa lahat ng kasamaan. Amen

SALVE REGINA
Salve, Regina, mater misericordiae, vita, dulcedo et spes nostra salve.
Ad te clamamus exsules filii Hevae.
Ad te suspiramus gementes et flentes in hac lacrimarum valle.
Eia ergo, advocata nostra, illos tuos misericordes oculos ad nos converte.
Et Iesum, benedictum fructum ventris tui, nobis post hoc exsilium ostende.
O clemens, o pia, o dulcis Virgo Maria.
V: Ora pro nobis, sancta Dei Genitrix.
R: Ut digni efficamur promissionibus Christi.
Oremus.
Omnipotens sempiterne Deus,qui gloriosae Virginis Matris Mariae corpus et animam, ut dignum Filii tui habitaculum effici mereretur, Spiritu Sancto cooperante praeparasti, da, ut cuius commemoratione laetamur, eius pia intercessione, ab instantibus malis et a morte perpetua liberemur. Per eundem Christum Dominum nostrum. Amen.
V: Divinum auxillium maneat semper nobiscum
R: Amen