Pansabadong Nobena sa Mahal na Birhen ng Penafrancia
Panimulang Panalangin
Halina Espiritu Santo, punuin mo ang puso ng mga sumasampalataya sa iyo at pag-alabin mo sa kanila ang init ng iyong pagmamahal...
V: Isugo mo ang iyong Espiritu at lahat silay'y muling magbabalik-loob
R: At mabago mo ang larawan nitong mundo.
Manalangin tayo...
O Panginoon, na sa pamamagitan ng liwanag ng iyong Espiritu Santo, tinuruan mo ang puso ng iyong mananampalataya. Nawa'y sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, kami'y manatiling mulat sa katotohanan at laging nagagalak sa iyong pagkalinga sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
PAGSISISI
Panginoon kong Jesucristo, Dios na totoo at tao namang totoo, na aking sinasampalatayanan, pinananaligan nang higit sa lahat ng tao't bagay, ikinahahapis ko nang buong puso ang madlang pagkakasala ko sa iyo, sapagkat ikaw ang kabutihang walang hanggan.
Nagtitika akong hindi na muling magkakasala sa tulong ng iyong mahal na grasya, at sa makapangyarihang pamamagitan ng iyong Inang makalangit na si Maria Santisima, na siyang nais kong ipagdangal sa buong buhay ko, lalong lalo na sa loob ng pagsisiyam na ito, inihahandog ko ito sa kapurihan ng kanyang kabanal-banalang ngalan. Amen
Mahal na Birhen ng Penafrancia, ipanalangin mo kami.
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Karapat-dapat ka nga naming pagkaibigin, O Reyna at Birhen naming Maria, na ang iyong katamis-tamisang ngalan ay nakaliligaya sa Langit, nakaaaliw sa Lupa, at nakatatakot sa Impyerno, dahil ang ngalang iyan ay bigay sa iyo ng Diyos. Yayamang ikaw ay napupuno ng mga Biyaya at Kagalingang buhat pa nung ikaw ay ipinaglihi hanggang sa lumaki at tanghaling Santa. Isinasamo naming bahaginan mo ang lahat ng iyong mga tinatamasang biyaya.
Ang mga maysakit ay iyong pagalingin, ang mga nalulumbay ay iyong aliwin at ang mga makasalanan ay iyong patawarin. Ikaw na Anghel na magbibigay ng kaligayahan, at kaluwalhatian sa Santisima Trinidad, na kinalalagdaan ng Limang titik ng iyong pangalan. Kawangis ng ngalan mo ay ang katamis-tamisang ngalan ni Jesus.
Ang katapat mo'y ang kanyang Limang sugat na tumubos sa amin at Limang wikang ikinayayari ng kahanga-hangang Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Anupa't sa iyong maluwalhati at makapangyarihang ngalan, ako ay humihingi ng awa sa pamamagitan ng pagsisiyam na ito. Ang ipagkakaloob mong habag ay tulad ng isang mabisang gamot na makakapagpapagaling sa akin. Tulad sa kaligayahang makapapawi sa aking mga kapighatian at tulad ng isang makapangyarihang tulong na magliligtas sa aking mga kasalanan at mag-aabot sa akin ng kapatawaran.
Alalaong-baga ang iyong habag ay kawangis ng pinagtipun-tipong mga gamot na aking magagamit sa aking mga pangangailangan. Kung uusalin ko at isasapusong lagi, uulitin ko sa tuwina itong matamis at mahalagang wika...
Mahal na Birhen ng Penafrancia, ipanalangin mo kami*

Pahintulutan nawang makamit ko ang iyong habag at awa, at matamo ang matamis at mabisang tulong niyang mahal na ngalan upang sa gayon ay maging karapat-dapat akong mapabilang sa iyong mabubuti at mairuging mga anak. Sa pamamagitan ng iyong mapalad na pag-aampon ay makakamit ko ang iyong awa sa pamamagitan ng pagsisiyam na ito, na sang-ayon sa kalooban ng Diyos at sa Ikaluluwalhati ng aking kaluluwa. Siya nawa

DALIT SA MAHAL NA BIRHEN NG PENAFRANCIA
O Birhen Mariang mahal
De Peñafrancia ang ngalan
Patrona ng Kabikolan
Ika'y aming sinasaligan
1. Ikaw ang aming inaasahan
Lubos na pinananaligan
Sa Pagkaabot nang matiwasay
Ligaya ng Kalangitan
Huwag mo kaming pabayaan
Dito sa hamak na bayan
Kung hindi mo kami tutulungan
Walang mabuting kararatnan
O Birhen Mariang mahal atbp.
2. O Mariang masaklolo
at maawaing totoo
Wag mo kaming ipatalo
Sa mga tukso ng demonyo
Diyos sa Langit, gawin mo
Biyaya'y manaog sa amin dito
At dahilan sa bagsik mo
Pilit kaming mananalo
O Birhen Mariang mahal atbp.
3. Aba! Bituin sa karagatan
Patnugot ng naglalayag
Mga Cristiano'y iligtas
Sa unos at bagyong marahas
Sa Moros at mga manghaharang
Sa dagat at sakatihan
Ampunin at isanggalang
Iligtas sa kapahamakan
O Birhen Mariang mahal atbp.
4. Liwayway iyong binuksan
Ang pintuan ng kalangitan
Ang ligaya't kaaliwan
Dalhin mo sa aming bayan
Tanikala ng mga bihag
Lagutin mo't isambulat
Sa bilanggua'y makalabas
At makaiwas sa hirap
O Birhen Mariang mahal atbp.
5. Ikaw ang nagpapahupa
Sa mga alon at baha
Bagyo at mga sakuna
Pahupain mo alipala
At ang nangagdaraan
Ng sari-saring kasamaan
Sa aming ikabubuhay
Sukatin mo't hadlangan
O Birhen Mariang mahal atbp.
6. Lumuluhod kaming tanan
Humahalik sa iyong bakas
Ihingi mo sa Diyos ng tawad
Sa mga nagawang linsad
Sa iyo, O Inang Mahal
Hinihingi namin naman
Na aming mapagbayaran
Mga nagawang kasalanan
O Birhen Mariang mahal atbp.
7. Pakinggan, o Katuwaan
Ng buong sangkakristyanuhan
Mga panalangin at pagdiriwang
Ng mga kampon mong tanan
Masintahing Inang Birhen
Dinggin mo't ulingin
Pagtangis nami't pagdaing
At sa langit iyong dalhin
O Birhen Mariang mahal atbp.
8. Sa buong sangkalupaan
Ikaw ay pinangalanan
Maawain at Reyna naman
Ang awit ng kalahatan
Lahat ay nagbabansag
Bahaghari kang marilag
Na ang gutom at pesteng marahas
Napapatahan mo't sukat
9. Ikaw nga yaong sisidlan
Ng lahat ng kagalingan
Lahat ay kinaawaan
Ng mga hinging tulungan
Hindi mo ngang hinihiling
Na ang loob nila'y hapisin
Bagkus pa ngang na taimtim
Galang at sintang tining
O Birhen Mariang Mahal atbp.
10. Na ang iyong paglaytay
Nagpapasigla sa mga matatamlay
Sa mga marurunong ay patnubay
At pinagtatagumpayan
Sa mga maliliit pang bata
Saklolo mo nga'y halata
Sa iyong kahinhinang gawa
Tumutulad silang kusa
O Birhen Mariang mahal atbp.
11. Makahulugan kang Rosa
Maria ang gumiginhawa
Sa mga Kristyanong nakukuha
Sa ngalang Peña de Francia
O Gaanong katuwaan
O Gaanong katamisan
Ang pinakikinabangan
Sa hardin mong lubhang mahal
O Birhen Mariang mahal atbp.
12. Lunas ka sa aming damdamin
At mabisang kagamutan
Ang siway na kaisipan
Tinutuwid mong liwanagan
Kung wala ka, O Inang Mahal
Dito sa mundong ibabaw
Walang-wala ang kabutihan
Kundi pawang kasalanan
O Birhen Mariang mahal atbp.
13. O Maputing Azucena
O Kalinis-linisang Maria
Ikaw ang aming ligaya
At timbulan naming sadya
Sa iyo, O Reynang Mahal
Pag-asa namin ay matibay
Na sa amin ay makamtan
Ang langit na kaluwalhatian
O Birhen Mariang Mahal
De Penafrancia ang ngalan
Patrona ng Kabikolan
Ika'y aming sinasaligan
ANTIPONA
(Latin)
Sancta María, sucurre misseris, juva pusillanimes, refove flébiles, ora pro populo, interveni pro clero, intercede pro devoto foemineo sexu: sentiant omnes tuum juvamen, quicumque celebrant tui sancti Nominis comemorationem.
V. Dignare me laudare te, Virgo sacrata.
R. Da mihi virtutem contra hostes tuos.
OREMUS
Concede, quaesumus, omnipotens Deus; ut fideles tui, qui sub sanctissimae Virginis Mariae Nomine, et protectione laetatur, ejus pia intercessione, a cunctis malis liberentur in terris, et ad gaudia aeterna pervenire mereantur in caelis. Per Christum Dominum nostrum. Amen.
(Tagalog)
Santa Maria, ampunin mo't tulungan ang mga kahabag-habag, tulungan mo ang mga mahihinang puso, pasiglahin mo ang mga duwag na loob, ipanalangin mo po ang tanang kinapal, kalarahin mo ang mga kaparian, saklolohan mo ang mga babaing masintahin sa iyo. Maipadama mo nawa ang iyong pagtulong sa lahat ng nagpupuri sa iyo sa pag-alaala sa iyong kamahal-mahalang ngalan.
V: Papagindapatin mo kami na magpuri sa iyo, O Maria
R: Pagkalooban mo kami ng kabagsikang ikapapanalo namin sa iyong mga kaaway
MANALANGIN TAYO
O Diyos na Makapangyarihan, Hinihingi namin sa iyo na ipahintulot mo na kaming mga lingkod mo na nagsasaya't nagdiriwang dahil sa Ngalan at Pagkakandili ng ating Inang si Maria, dahilan sa kanyang pag-aampon, maligtas nawa kami sa lahat ng mga lilo't hunghang dito sa mundong ito, at kami ay maging karapat-dapat magtamo ng mga kagalingang walang hanggan doon sa langit, sa pamamagitan ni Kristong aming panginoon.
Amen
PANGWAKAS NA PANALANGIN
PANALANGIN SA BANAL NA MUKHA NI JESUS (Ang Divino Rostro)
O Jesus, sa iyong kapait-paitang pagpapakasakit para sa amin, ay nakintal sa iyong mukha ang matinding kalungkutan na tanda ng Iyong walang hanggang pagmamalasakit sa sangkatauhan lalo na sa mga mahihirap at pinabayaan. Aming pinararangalan ang Iyong Banal na Mukha na siya ring nagpamalas ng kagandahan, pagmamahal at kaamuan ng Diyos Ama.
Sa kabila ng Iyong sirang kaanyuan, namamalas namin ang Iyong walang hanggang pag-ibig na siya namang nag-uudyok sa amin na Ika’y amin ring mahalin at himukin ang iba na Ikaw rin ay mahalin sa mga sirang kaanyuan ng aming kapwa na ipinagkakatiwala mo sa amin. Ang luha na masaganang bumukal sa Iyong mga mata at pisngi ay parang mga perlas na nais naming tipunin upang tubusin ang mga kaawa-awang kaluluwa ng mga makasalanan sa pamamagitan ng Iyong hindi matatawarang halaga.
O Jesus, ang Iyong kabanal-banalang mukha ay nagbibigay-galak sa aming kalooban, kahit hindi ko man masulyapan ang tamis ng iyong sulyap o maramdaman man ang Iyong di masaysay na lambing, hinihiling namin na manatili ang pagkakakintal ng Iyong Banal na Mukha sa aming puso. Pag-alabin mo kami ng Iyong pag-ibig upang sa pamamagitan nito, kami nawa’y maging karapat-dapat na makibahagi sa pagsamba at pagdakila ng iyong maluwalhating Mukha sa kalangitan. Amen.
PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG PENAFRANCIA
Ilingon mo sa amin ang iyong mga mata, O Iniibig kong Birhen ng Peñafrancia, at mahabag ka sa aking kaluluwa na naparirito sa harapan mo, puno ng pighati't pagsisisi.
Ipagsanggalang mo ang aking pamilya, ang aking mga kamag-anak, ang aking mga kaibigan at mga tagapagpala. Mamagitan ka sa iyong mga deboto, lalo na ang mga nabubuhay at mga pumanaw, lalo na sa mga nangangailangan ng aking tulong.
Ipanalangin mo ako, damayan mo ako at iligtas, sa mga sandali ng pangamba, kabiguan, sakuna at kapighatian, lalo na sa oras ng aking kamatayan, hilingin mo nawa sa iyong anak na si Jesus na ako’y tulungan at pangalagaan, ipabatid mo po sa kanya na ako'y iyong deboto, na dahil sa ganap na pagtitiwala sa iyong pangangalaga ay lumuluhod sa paanan ng iyong mapaghimalang larawan at humihiling sa iyong makapangyarihang pamamagitan.
O Birhen ng Peñafrancia, ipanalangin mo ako, tulungan mo ako at damayan, at iadya mo ako sa lahat ng kasamaan. Amen
SALVE REGINA
Salve, Regina, Mater misericordiæ,
vita, dulcedo, et spes nostra, salve.
Ad te clamamus exsules filii Hevæ,
Ad te suspiramus, gementes et flentes
in hac lacrimarum valle.
Eia, ergo, advocata nostra, illos tuos
misericordes oculos ad nos converte;
Et Jesum, benedictum fructum ventris tui,
nobis post hoc exsilium ostende.
O clemens, O pia, O dulcis Virgo Maria.
℣ Ora pro nobis, sancta Dei Genitrix,
℟ Ut digni efficiamur promissionibus Christi.
Oremus.
Omnipotens sempiterne Deus, qui gloriosæ Virginis Matris Mariæ corpus et animam, ut dignum Filii tui habitaculum effici mereretur, Spiritu Sancto cooperante præparasti: da, ut cuius commemoratione lætamur; eius pia intercessione, ab instantibus malis, et a morte perpetua liberemur. Per eundem Christum Dominum nostrum.
℟ Amen.
PANGWAKAS NA AWIT - HIMNO A LA NUESTRA SENORA DE PENAFRANCIA
Coro:
Resuene vibrante el himno de amor
Que entona tu pueblo con grata y emocion
Resuene vibrante el himno de amor
Que entona tu pueblo con grata emocion
Patrona del Bicol, Gran Madre de Dios
Se siempre la Reina de Nuestra Region
Patrona del Bicol, Gran Madre de Dios
Se siempre la Reina de Nuestra Region.
Estrofa I:
Los rios murmuran tu nombre al correr
Los montes proclaman tu gloria y poder
El pueblo creyente con gozo te ve
Te canta amoroso y besa tu pie
El pueblo creyente con gozo te ve
Te canta amoroso y besa tu pie.
Estrofa II:
Patrona del Bicol, altar del amor
Reliquia bendita que el cielo nos Dios
Escucha benigna del pueblo el clamor
Que acude a tu Templo con fe y devocion
Patrona del Bicol altar del amor
Reliquia bendita que el cielo nos Dios
Escucha benigna del pueblo el clamor
Que acude a tu Templo con fe y devocion.
Estrofa III:
Los pobres y tristes te buscan con fe,
te miran llorando les miras tambien
Al punto sus lagrimas se truscan en bien,
y a casa gozosos les vemos volver,

y a casa gozosos les vemos volver